|
 |
|
Friday, August 26, 2005
.:: love and chocolate ::.
"masarap daw umibig...
may honey, sweetie,
gummybears, cupcake,
sugar at marshmallows pa!
hmmm...
masarap pala!
eh bakit may umiiyak pa?
ahhh...
cguro kc,
sumakit
ngipin nila!!!"
a text message i received last night from a friend while i'm on my way home...
well, after ko mabasa natawa ako at napaisip...
masarap naman talaga ang feeling ng umibig eh...
sometimes it's like eating our favorite chocolate (sounds corny pero totoo...)
hindi natin titigilan ang pagkain nito hanggang hindi natin nauubos pero katulad ng sobrang pagkain ng chocolate meron ito consequence in the end... it's either magsawa na tayo sa chocolate or sumakit ang ipin natin at dahil sa sobrang sakit na naramdaman natin sa pagkain ng chocolate malamang matagalan ulit bago tayo kumain ng favorite chocolate natin...
same goes with love and loving someone...
dadating tayo sa point na may mamahalin tayo na feeling nating "sya na talaga"... at dahil feeling natin na both of you are meant for each other halos ayaw mo na syang mawala sa paningin mo at gusto natin na makasama sya sa lahat ng oras at lahat ng araw... we made them part of our life and sometimes we never notice na sa kanila na umiikot ang mundo natin...
kaya lang tulad nga ng pagkain ng favorite chocolate natin hindi natin namamalayan na meron ding ibang tao sa paligid natin na gusto matikman yung chocolate na kinakain natin or rather gusto tayong bigyan ng ibang klase ng chocolate para matikaman natin... hindi natin napapansin na nababalewala natin sila kasi yung attention natin asa favorite chocolate lang natin...
pero pano nga kung dumating yung point na sumakit na ang ngipin natin because of eating too much of our favorite chocolate or magsawa na tayo at maghanap ng ibang chocolate???
okei lang sana kung magsawa tayo sa favorite chocolate natin kasi ang asa isip natin marami pa naman chocolate na pwede natin i-try tikman, but the problem is... what if wala na magbigay satin ng ibang chocolate kasi nagsawa na sila sa kakahintay na magustuhan natin yung chocolate na willing nilang ibigay???
should we stick to our favorite chocolate kahit nagsasawa na tayo kainin???
but the saddest part i guess is pag dumating yung time na sumakit na ang ngipin natin because of eating too much of it... we have no choice but to suffer for the pain that cause by it... well, kasalanan din naman natin kung bakit masakit d ba? we ate too much and never give some to others... like in love, we gave almost everything without thinking about the others na asa paligid natin... to the point na minsan hindi na natin iniiisip ang pwedeng kahinatnan ng ginagawa natin basta ang alam natin masaya tayo ngayon kasi masarap ang chocolate or rather masarap yung feeling na nararamdaman natin ngayon pero hindi natin naiisip na lahat may katapusan...
kaya ayun masakit na ang ngipin natin dahil sa sobrang pagkain ng chocolate tulad ng sakit na mararamdaman natin pag sobra yung love na binigay natin kasi kahit sa sarili natin wala na tayong tinira... at sa bandang huli iiyak na lang tayo kasi hindi natin alam kung pano ba mawawala yung sakit na nararamdaman natin...
ako mismo minsan ko nang naranasan ang ma-addict sa isang chocolate kasi ang buong akala ko kahit matibay naman ang mga ngipin ko hindi ko mararamdaman na sasakit ito... pero nagkamali ako... dahil kahit na 3x a day pa ako mag-toothbrush para walang cavities na maiwan ang pagkain ko ng favorite chocolate ko...
sumakit pa din ang ngipin ko...
umiyak pa din ako...
at lahat ng cavities na dulot ng pagkain ko ng favorite chocolate ko alam ko na hanggang ngayon and2 pa din sa ngipin ko... pero naisip ko nang pumunta sa dentist ko... magpapalinis ako at papatanggal ko lahat ng cavities na naiwan dun...
hindi pa din ulit ako handang kumain ulit ng chocolate kasi natatakot ako kasi alam ko na pag nakatikim ako ng chocolate na masarap hindi malayong maging favorite ko ulit ito... ganun ako eh... baka sa susunod na sumakit ang ngipin ko hindi na kayanin ng cleaning lang at kailangan pang bunutin ang ngipin ko... ayoko nun kasi ibang klaseng sakit na naman yun...
kaya hanggang candy na lang muna ako ngayon... hehehe
iba't ibang klase ng candy ang titikman ko...
malay ko ba kung hindi lang pala sa chocolate mag-eenjoy ang panlasa ko at andun din sa isa sa mga candy na natikman ko na at matitikman ko pa...
so ano nga ba ano ang lesson???
first, share your chocolate to others... let the chocolate melts into others mouth and not only to yours... it doesn't mean naman na pag ni-share mo sa kanila yung chocolate mo magugustuhan din nila yun... ang mahalaga dun binigyan mo ng pagkakataon ang iba na matikman yung chocolate na nagpapasaya sayo sa tuwing kinakain mo...
second, don't refuse to taste some other chocolate... hindi yung di mo pa nga naitikman eh ayaw mo na kasi gusto mo lang yung favorite mo... who knows may mas masarap pa pala sa chocolate na favorite mo ngayon and yun pala yung chocolate na mag suite talaga sa panlasa mo at nabulag ka lang sa lasa ng favorite chocolate mo...
and last but not the least, let's keep in mind na lahat ng sobra masama... never forget to leave some for others para at least hindi lang ikaw ang sasakit ang ngipin pag nagkataon... may kasama ka na iiyak at pupunta sa dentist para magpa-linis at magpatanggal ng cavities... hehehe (just kidding)
masarap ang chocolate...
masarap magmahal...
but keep in mind that eating too much of it can make our teeth hurt... like loving too much that can make our hearts cry...
 SimpLe ThoughTs by jhenskie posted at exactly 04:08 pm
soul searcher here...
.:: love and chocolate ::.
Thursday, August 25, 2005
-= what LIFE is all about =-
LIFE isn't about keeping score. It's not about how many people call you and it's not about who you've dated, are dating, or haven't dated at all. It isn't about who you've kissed, what sport you play, or which guy or girl likes you. It's not about your shoes or your hair or the colour of your skin or where you live or go to school. In fact, it's not about grades, money, clothes, or colleges that accept you or not. Life isn't about if you have lots of friends, or if you are alone, and it's not about how accepted or unaccepted you are. Life just isn't about that.
But LIFE is about who you love and who you hurt. It's about how you feel about yourself. It's about TRUST, HAPPINESS, and COMPASSION. It's about sticking up for your friends and replacing inner hate with LOVE. Life is about avoiding jealousy, overcoming ignorance, and building confidence. It's about what you say and what you mean. It's about seeing people for who they are and not what they have. Most of all, it is about choosing to use your life to touch someone else's in a way that could never have been achieved otherwise.
These choices are what life's about. --from Nike Ad
 SimpLe ThoughTs by jhenskie posted at exactly 10:38 am
soul searcher here...
-= what LIFE is all about =-
Wednesday, August 24, 2005
just talked to my friend Arlene on the fone and i confess to her that i txted him again but i promise her that i just wanted to let him know what i really feel...
ang bigat nman kasi talaga sa dibdib yung may tinatago akong sama ng loob eh and at the same time i know to myself that i owe him an apologize too for everything that i've said a week ago... and since i know that it's one reason why i do have sleepless nights na naman kaya ayun i made this 10-part long message and sent it to him last night...
"Forgiving is giving hate a piece of empty room in our heart!"
i do hav dat empty room in mine... i just wishd dat i have mine in urs! i thought dat i can live my life now thnkng dat i hate u so much but d more i thnk abt it, d more i can feel this pain inside me! i knw dat SORRY is jst a word and u can only feel d sincerity if u can see it n d eyes of d one hus saying it... bt still, i jst wntd 2 say SORRY for everythng dat i've said... at least d ko man nsabi sayo personally, alam ko sa sarili ko dat i already did wat was d ryt thng 2 do. ang bigat kc sa dibdib ng may sama ng loob at galit n tntago. At ngyon since nsbi ko na, dumating man yung time na mgkta ulit tayo, kya ko ikaw tingnan ng diretso sa mata at hnd ko kailangan umiwas... u're still worth keeping Jet kht na puro pain and tears ang nramdaman ko dhl alam ko na may rason kkng bkt ka dumating sa buhay ko! hbang gngawa ko ito, alam kong isa lang ang dhlan kng bkt ko gngwa ito... dhl mahal pa din kta! naghntay ako at umasa pero ngayon bibitaw na ako sa pangako mo! kng magbago k man masaya na ako kht hnd ko na malaman... hnd ko alam kng hnggang kelan p kta iicpn at mamahalin... basta ang alam ko lang ngyon, ggwin ko ito hndi na para sayo kundi para sa sarili ko... kng anuman yung reason mo kng bkt pinili mo sya at iniwan mo ako, hnd na mahalaga sakin yun! again, SORRY sa mga nasabi ko! and for the last time ssbahin ko ulit sayo ito...
S-H-M-I-L-Y Jet!
can u send my angel back 2 me now? kc i thnk i'll be needing him already knowing na wala kna tlga!"
kaya ayun sabi sakin ng friend ko back to zero na naman daw ako... we're counting the days kasi na hindi ako dapat mag-text or gumawa ng kahit ano para magkaroon kami ng communication... the longest time i did that was 3mos and sabi nya sakin since nakaya ko yun alam nya na mas makakaya ko pa ng mas matagal... i should think about it daw kasi it's for my own sake din naman... well, i know naman na tama sya...
kaya eto start counting and marking my calendar again hanggang sa dumating yung araw na hindi ko na sya maaalala pa...
 SimpLe ThoughTs by jhenskie posted at exactly 04:32 pm
soul searcher here...
back to zero daw ako...
Tuesday, August 23, 2005
.:: a reality check in a relationship ::.
"What a girl needs most is love.
What a guy needs most is respect.
The most important thing for a girl is her heart.
For a guy its his ego."
Give your man his own time and space...
Let him have his time for his friends, sports, family, self, and God. The relationship will grow old quickly if lagi kayong magkasama. Give him time to miss you and you'll see how he will love you more. If the guy naman is obsessed and just wants to be with you all the time, tell him you cant respect a "puppy" for long.
Do things differently anytime...
Discover something you both like to do and enjoy it TWOgether.Doon naman sa mga bagay na magkaiba ang hilig nyo, compliment each other by learning about it. If you love someone, yung effort nyo to try will go a looooong way to understanding him later pag may disagreement kayo.
Pray with holding hands...
Sounds corny noh? Maybe, but its very powerful. Pag may takot sa Diyos ang boyfriend mo, kampante ka na di ka nya lolokohin, because he knows God sees everything he does in secret. Ikaw na ang magkusa that before you part after date, with hold hands and eyes closed, pray to God to bless you two. Believe me it's effective. Kailanman, di corny ang magdasal.
Believe in "Magic"...
Kahit di minsan practical o walang logical na dahilan, o matrabaho, o sounds crazy sa iba, do sweet little things for the one you love kahit magmukha ka ng timang. The memories will be fun to recall later in life. True love brings out the best in each other. Find something good in your boyfriend and nurture it, encourage it and syempre, ENJOY it.
It's healthy to fight...
Doon nyo lang maaayos ang mga differences nyo at natetest ang tatag ng relationship. Doon mo rin sya makikilala ng mabuti. Its called test of fire. Di mahalaga how often you fight. What matters is how often you kiss and make up. Mas nakakatakot yung relasyong sobrang perfect at laging masaya. One big fight and that's it! And diba mas kilig yung malambing na... "uy, bati na tayo..."..but don't overdo it.
Don't sweat the small stuff...
Daraan sa iba't-ibang stages ang love especially pag matagal na kayo. Grow with it. Don't expect him to be like nung una. 'Coz like a student, di na ituturo sa grade 6 yung lessons na pang-grade 2. Change WILL happen... you both will change and your love WILL change too. It's up to you na lang if the change will be for the better or for the worse.
Life is about growth...
Grow with it. When break up comes and it's time to say goodbye, don't doubt the love just because it didn't last. May mga bagay sa buhay na di man nagtatagal, it doesn't mean di na ito totoo. Some good things are just never meant to last forever. Okay lang yon. Bless the parting and move on. Expect tears, sorrow, sleepless nights and pain. Ika nga "it's when you hurt the worse that you love the MOST." Kung di ka willing masaktan, wag ka na lang magmahal.
Life is a balance. And love is both holding on and letting go. Know when to fight for your man and when to let him go. God will guide you kung anong dapat gawin sa kung anong sitwasyon. So dapat mataas ang signal ng langit sa cellfone ng puso mo to know His wisdom.
--got this artik from one of the blogs in the bloggie world... i may not be in a relationship right now but still i can rely into into once i hook into another... i know that in one way or another, all of us will be in this kind of situation and i just want to share this to all of you guys out there... maging single or in a relationship man...
 SimpLe ThoughTs by jhenskie posted at exactly 03:39 pm
soul searcher here...
.:: a reality check in a relationship ::.
Monday, August 22, 2005
.:: a weekend that was ::.
its been a week ko na nararamdaman ang sakit ng katawan ko na ito... di ko na lang pinapansin kasi lam ko na nman na posibleng nabigla lang ulit mga muscles ko dahil sa training... pero grabe di talaga ako pinatulog ng sakit last Saturday evening... buti na lang asa bahay ako...
neways, okei naman ang weekend ko...
gising na ako 5:00am ng Sat again para sa training... i waited for my teammate for almost 15mins kasi sabay ako sa kanya papunta ng CCP... buti na lang din hindi ako masyado nag-row kasi i was already training as a signal (in short tagpag-utos ng gagawin nila... hehehe) nakakatuwa na nakakainis kasi daming beses ako pumalpak sa counting ko... (hello... d naman kasi ganun kadali ang mag-signal... if i were to choose, i'd rather row na lang kesa mag-signal...)
stay din kami sa mabaho at maduming Manila Bay for almost 1.5hours...
sabi nga ng isa sa tema mate ko...
ang rowing ay para sa mga taong gustong gumising ng maaga... para sa maga taong gustong malanghap ang mabahong amoy ng bay, para sa mga taong gustong masigawan at higit sa lahat para sa mga taong gustong sumakit ang katawan... (lalo na pag baguhan ka lang... been there)
after ng training, uwi na ako kasi may appointment pa ako ng 10am sa Robinsons Place-Manila... meet ko kasi yung pinag-orderan ko ng Korean Series na ipapadal ko sa tita ko sa Italy... buti pa yun makakarating na dun... i arrived there early at actually di pa sya bukas at my gosh ang dami na kagad ng tao... kasi naman pala SALE... kaya ayun pagbukas na pagbukas ng mall, nagmamadali ang mga tao... si ako naman nakisabay na din since wala pa sa location yung kausap ko... tingin-tingin at ikot-ikot muna ako... haaayyyy, buti na lang eksakton pera lang ang dala ko at di ko rin dala ang credit card ko... kung nagkataon patay na naman ang budget ko... kaya after ko meet yung kausap ko at makuha yung mga vcd's diretso na ako uwi kesa ma-temp pa ako na bumili kasi may natira pa ako 700 sa wallet ko...
pagdating ko ng dorm, ayos ko lang things ko tapos alis na ulit ako at diretso na ng ofc... i arrived there at exactly 11:55 AM so pwede na ako umalis ng 3:55PM... haaaaayyyy, tagal maghintay ng oras ha tsaka gusto ko na umuwi ng bahay at magpahinga... bigat pa naman ng dala kong bag (2weeks na maduduming damit... hehehe) at exaxtly 3:55PM nga sa swipe machine nag-out na ako... byahe na pauwi ng probinsya... gusto ko man matulog sa bus hindi ko magawa kasi lalaki ang nakatabi ko (mahirap na... hehehe) haaaayyyy, medyo trapik pa sa south super hi-way kaya mag 6PM na ako nakarating ng bahay... sarap ng feeling ng makauwi (ewan ko ba kung bakit masarap sa bahay pero madalang naman ako umuwi dun... ironic no???) kahit basang basa na ng mga laway ng mga bulilit kong pinsan ang pisngi ko s amga kiss nila... wala akong pakialam, kasi ang sarap ng feeling na alam ko na sobrang na-miss nila ako...
kain ako ng dinner... sobrang sarap talaga ng lutong bahay... tinolang native na chicken, ginisang kabute (mushroom) at take note hindi yung asa lata na mushroom ha at tsaka dinuguan... pero sa tinola at ginisang kabute pa lang solve na solve na ako... dami ko na naman nakain
after ko kumain punta ako sa bahay ng lola ko at kumakain na din sila pero may kakaiba dun... may pipino at syempre it's mah favorite kaya kain na naman ako...
after dinner, punta kami ng pinsan ko dun sa isang bahay ng mga pinsan namin na malapit lang kasi may birthday party the following day... may videoke kasi at syempre madaming tao... typical na okasyon sa probinsya... (hindi mo na kailangan magbayad ng makakatulong kasi kusa silang nagdadatingan...) at dun nakita ko din ang mga forever crush... hehehe (hanggang crush lang kasi ako sa kanya kasi lam ko magpinsan kami... hahaha) though sa tuwing magkikita kami at mapapadaan sya sa bahay namin lam ko naman na may lihim din syang pagtingin sakin... (hahaha wish... ) syempre birthday party kaya daming kailangan prepare at tumulong na din kami sa pag-prepare... daming bllopers na nangyari sa preparation hehehe...
10:30PM uwi na kami ng mga mommy ko... pagdating ko ng bahay nanonood pa ng tv sister ko pero di na kaya ng powers ko at sobrang sakit na talaga ng katawan ko kaya natulog na ako...
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.............zzzzzzzzzzzzzzzzzz..............zzzzzzzzzzzzzzzzzz
7am the next day gising na ako kasi ang iingay na ng mga bata... naglalaro kaya kahit gusto ko pa matulog hindi na din ako makatulog... gumising na lang ako at nakpiaglaro sa kanila... hehehe
after breakfast, prepare na kami para dun sa birthday party ng pinsan ko... sooooobraaaaaang dami ng tao... imagine ba naman na 5baboy na ang kinatay nila nagkulang pa rin kaya nagpahabol at nagkatay pa ulit sila ng isa... my gosh... ibang klase talaga ang handaan sa probinsya... wala ako masabi...
sa sobrang dami ng tao... sobrang init na din kaya naisipan namin na umuwi na lang muna ng bahay mga around 2PM at nood na lang sana kami nung Korean movie na dala ko kaya lang brown-out naman... kainis... natulog na lang ako pero saglit lang din kasi ang init ng panahon... mga after 30mins nagkaroon na ng kuryente kaya ayun tuloy na namin yung panood nung Korean moveis na dala ko... nauna namin pinanood yung "SEAWIND"... okei lang sya hindi ganun kaganda unlike yung sunod na pinanood namin na "A MOMENT TO REMEMBER"... na sa sobrang ganda ng story nya kahit ang tita ko napaiyak... at eto ang isang line dun na hindi ko talaga makalimutan from that movie...
"FORGIVING is giving HATE a piece of empty room in our HEART..."
hindi tuloy ako nakasabay sa pinsan ko ng pagbalik ng Manila dahil tinapos ko sya pero actually ayoko pa naman talaga bumalik ng Manila that time... hehehe
after ng movie, punta ulit kami ng mommy ko dun sa haus ng pinsan ko... at sobrang nagulat ako na gabi na dating at dating pa din ang bisita... my golly gosh talaga... hehehe
ayun, kain na naman sia ako pero desert lang naman habang pinanood ko yung mga nagkakantahan sa videoke... at isa na nga dun yung crush ko... hehehe... buti na lang hindi nya alam na crush ko sya... habang pinapanood ko sila, lumapit sakin yung isang pinsan ko na guy na andun din sa mga nagkakantahan... tagal-tagal ko na din sila hindi nakaka-kwentuhan tulad ng dati na halos palagi kami magkakasama na tumatambay... ngayon kasi sila na lang yun... sabi nga samin (mga forever na tambay sila... hehehe... dun sila masaya eh...) kinumusta nya ako at ang walang kamatayang tanong na
"kelan ka mag-aasawa???"
haaaayyyy, kung pwede ko lang i-taped ang sagot para sa tuwing magtatanong sila eh play ko na lang ang sasabihin ko... sabi ko na lang sa kanya, magahahanap muna ako ng bf bago ako mag-asawa... sabay ngiti na lang sa kanya... tapos sabi nya sakin... "ayan pili ka na sa mga andyan" gusto ko sana ituro sa kanya yung crush ko kaya lang... hehehe
pero natawa ako nung sya mismo ang nagturo sakin sa crush ko... "ayun gusto mo?" sabi nya... kaya lang maysabit pa yan ngayon eh... (aaayyyy, may gf na pala sya...) tapos sabay sagot naman ni crush ng... "pwede naman i-break yun eh..." o di ba sabi ko na nga ba may hidden desire din sya sakin eh... hehehe (sana nga lang pwede kami...) pero puro sulyap na lang ata talaga kami sa isa't isa eh... ng magsawa sila sa pagkanta... kami naman ng mga pinsan ko ang bumanat... kanya-kanya ng pili song na kakantahin pero hindi muna ako kumanta kasi andun pa sya eh... (shy ako sa kanya... hihihi) kaya nung umalis na sila dun lang ako kumanta... tagal din namin nagkantahan at kahit sobrang antok na antok na ako wala akong nagawa kasi hindi maubos-ubos ang number sa screen ng videoke...
exactly 2AM ng makauwi ako ng bahay...
diretso tulog kasi gigising pa ako ng maaga...
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.............zzzzzzzzzzzzzzzzzz..............zzzzzzzzzzzzzzzzzz
6:00AM an alarm ko pero 5:30 pa lang nagising na ako sa boses ng mga pinsan ko kasi masasaya sila at wala silang pasok... buti pa sila..... waaahhhhhhhhh
samantalang ako...
puyat pero kailangang pumasok...
8:45Am, and2 na ako sa office...
eto inaantok pa din hanggang ngayon...
at buti na lang walang masyadong load at hindi toxic kaya nakakapag-power nap...
haaaaaaaayyyyyyyyyyy...
gusto ko na umuwi at matulog...
 SimpLe ThoughTs by jhenskie posted at exactly 10:24 am
soul searcher here...
.:: a weekend that was ::.
Friday, August 19, 2005
pansin nyo change na naman ako ng blog address ko...
sabi kasi ng isang friend ko stop na muna daw ako ng pagsulat sa blog ko para makalimutan ko na sya totally at para wala na din syang updates on my what/whereabouts...
pero hindi ko kaya eh...
hindi ko na kaya ang hindi mag blog...
na-adik na din ata ako dito...
kaya eto binago ko na lang ang url niya... (at wish ko lang hindi na nya malaman ito para wala na din sya mabasa...)
cguro nga tama silang lahat...
tama silang lahat na ako din ang nagpapahirap sa sarili ko for always entertaining the thought of him... (katulad ngayon... but this time it was different i know...)
ilang beses ko na ba binalak i-delete ang blog na ito???
at ilang beses ko na ba inisip na tumigil sa pagsusulat ng tungkol sa kanya...
pero lahat ng yun binalak ko lang dati...
ngunit ngayon desidido na ako...
desidido na ako na tanggalin sya ng tuluyan sa buhay ko...
kung pwede nga lang burahin ko na sya sa ala-ala ko... pero alam ko naman na hindi pwede kasi kahit na ilang beses pa ako makabuo ng 9weeks na novena sa baclaran... malabong mangyari ang gusto ko... ang tanging magagawa ko lang ay ang tulungan ang sarili ko...
tulungan ang sarili ko dahil para din naman sakin ito...
dahil habang patuloy ko syang hinahayaan na maging parte ng buhay ko...
patuloy pa rin akong masasaktan...
sabi nga ng isang friend ko...
"STOP MAKING YOURSELF SPECIAL FOR HIM AND ACCEPT THE FACT THAT YOU'RE JUST NOBODY TO HIM..."
at yung isang friend ko naman...
"HELP YOURSELF TO HEAL YOUR OWN WOUND..."
buti pa nung bata ako... pag nasusugatan ako nasaktan at umiyak man ako... sandali ko lang nararamdaman... itutulog ko lang pag-gising ko handa na akong masugatan at masaktan ulit...
buti na lang madami akong TRUE FRIENDS...
yung di ako iniiwan...
na kahit paulit-ulit lang ang naririnig nilang rason sakin kung bakit ako umiiyak... patuloy pa din nila akong pinapakinggan...
there are so many reasons nga for me to be happy...
matigas lang kasi ang ulo ko na minsan mas gusto ko yung pansamantalang happiness lang instead of na pang-matagalan...
aminado naman ako na palagi akong nagmamadali eh...
samantalang ako mismo ang palaging nagsasabi na "baby steps lang..."
masama pa din ang loob ko...
mabigat man sa dibdib na may kinikimkim akong sama ng loob ngayon... siguro hayaan ko na lang muna at hintayin na lang na ang panahon ang kusang magpawi nito... hindi naman siguro masama yun lalo na kung para naman ito sa sarili ko...
 SimpLe ThoughTs by jhenskie posted at exactly 07:45 pm
soul searcher here...
change na naman!!!
Wednesday, August 17, 2005
Beginning today i will no longer worry about yesterday... it is in the past and the past will never change... only i can change by choosing to do so...
Beginning today i will no longer worry about tomorrow... tomorrow will always be there, waiting for me to make the most of it.. i cannot make the most of tomorrow without first making the most of today...
Beginning today i will look in the mirror and i will see a person worthy of my respect and admiration... this capable person looking back at me is someone i enjoy spending time with and someone i would like to get to know better...
Beginning today i will cherish each moment of my life... i value the gift bestowed upon me in this world and i will unselfishly share this gift with others...
Beginning today i will make a moment to step off the beaten path and to revel in the mysteries i encounter... i will face challenges with courage and determination... i will overcome what barriers there maybe which hinder my quest for growth and self improvement.
Beginning today i will take the life one day at a time, one step at a time... discouragement will not be allowed to taint my positive self-image, my desire to suceed or my capacity to love...
Beginning today i walk with renewed faith in human kindness... regardless of what has gone before... i believe there is hope for a brighter and better future...
Beginning today i will open my mind and my heart... i will welcome new experiences... i will meet new people... i will not expect perfection form myself nor anyone else: perfection does not exist in an imperfect world... but i will applaud the attempt to overcome human foibles...
Beginning today i am responsible for my own happiness and i will do things that make me happy... admire the beautiful wonders of nature, listen to my favorite music, pet a puppy, soak in a bubble bath... PLEASURE, can be found in the most simple of gestures...
Beginning today i will learn something new; i will try something different; i will savour all the variou flavors life has to offer... i will change what i can and the rest i will let go...
"i will strive to become the best me i can possibly be..."
 SimpLe ThoughTs by jhenskie posted at exactly 04:45 pm
soul searcher here...
.:: beginning today ::.
i welcomed my birthday with tears in my eyes... but i promised myself that it would be the last time i will cry!!!
 SimpLe ThoughTs by jhenskie posted at exactly 09:51 am
soul searcher here...
08.17.05...12:00am
Monday, August 15, 2005
since wala ako tulog ng Sat night hindi ko na nagawang mag-attend ng training ng rowing... 
nagising ako sa text message ng isang college friend ko asking kung asa dorm lang ako... aya kasi sya mag-simba ng afternoon then watch a movie after... since asa bahay mga pinsan ko na nag-stay dun for weekend sinabi ko na lang sa kanya na text ko sya kung wala kami plans for the day...
pero after lunch lumabas kami ng mga pinsan ko... punta kami ng glorietta and decided to watch D'Anothers... i thought after having a not so very nice day the other day, kailangan ko mag-relax at mag-enjoy para di na ako mag-isip ng kung anu-ano pa...
walang scene na hindi ako tumatawa as in humahalakhak pa ata ako... hehehe
i am not fond of watching tagalog movies (unless si Piolo Pascual ang bida... hehehe) pero watching that movie was a good decision i made yesterday...
i don't care kung "jologs" man ang tawag nila sa mga taong nanunuod ng mga ganung klase ng movie pero ang importante nag-enjoy ako at di nasayang ang pera na pinambili ko ng tiket...
habang nanonood ako, naka-ilang miss call ang friend ko sakin cguro naghihintay pa din sya kung matutuloy kaming dalawa... kaya text ko na lang sya na kung gusto nya attend kami ng 7:15 mass sa GBelt since asa Glorietta na din naman ako pero kasama ko pa mga cousin ko... so in short, may commitment pa ako sa kanya after namin manood... pero okei lang 
lumabas kami ng movie house past 5pm at yung mga cousin ko they decided na maglalaro na lang sila sa Netopia with my cousin's bf habang kami ng isang pinsan ko ay mag-iikot at maghahanap ng pwede mabili... hay, sumakit na naman ang paa sa kakahanap ng blouse at sya ng shoes...
by 7pm, meet ko na yung friend ko sa near the GBelt chapel...
ganda ng homily ni father...
"see you in heaven..."
after ng mass nauna na umuwi mga cousins ko...
me and my friend had dinner and as usual tulad ng mga weekends na magkasama kaming dalawa, di kami nauubusan ng kwento sa isa't isa...
ewan ko nga ba... hehehe
dapat manonood kami ng movie kaya lang yung 1030 na ulit ang start and naisip namin na masyado na late matatapos kung manonood pa kami... kaya nag-timezone na lang kaming dalawa... nagpalipas ng oras dun at pagkatapos we decided to have coffee na lang... stay kami ng starbucks for more than an hour din siguro...
11:30pm asa bahay na ako...
i thought di na naman ako makakatulog kasi nag-coffee pa ako...
pero i had a very good night sleep...
cguro dahil kay "Jesus Resurrection" ng D'Another's
hehehe...
kidding aside...
cguro dahil nagsimba ako at muli nailapit ko sa kanya ang lahat ng gumugulo sa isip ko...
nakapag-pasalamat sa lahat ng pang-unawa, pag-gabay at walang katapusang biyaya...
at higit sa lahat...
naihingi ko ng tawad ang mga kasalanan na nagawa ko...
 SimpLe ThoughTs by jhenskie posted at exactly 02:05 pm
soul searcher here...
jologs na kung jologs...
Saturday, August 13, 2005
haaaayyyy... another sleepless night...
d na naman ako makatulog...
hindi ko alam kung dahil sa pagod o dahil sa kaka-isip ko sa nangyari sakin ngayong araw na ito...
na-experienced nyo na ba ang magpa-hula???
well, i really have no intention of doing it kasi i do believe that GOD has good plans for me and i don't dwell on that "hula" thing... but what happened to me and my friend arlene today made me really think of it...
after a "not so good day" (wag nyo na lang alamin kung bakit not so good day kasi ayoko na isipin...), we decided to go to Robinsons Place para magpalipas ng oras at sya ng inis or should i say "galit"... yep, she's the one who's really angry on what happend to both of us though i told her already not to 'coz i know that it might really happen and i am ready for it but still i insist, so it's all my fault...
kaya ayun nag-shopping galore na lang kaming dalawa... she helped me na makapili ng shoes and sandals...
tsakit na nga paa ko kaka-sukat ng sapatos hanggang sa makapili sya ng shoes for me which i liked also... after namin magbayad naisip nya na meron sya free movie tiket ng Rob kaya she decided na watch na lang kami ng movie... wala sa plans pero wala naman kami pareho gagawin at gusto namin pareho makalimutan ang nangyari the whole day so nanood kami ng BEWITCHED... it was a nice movie and as usual habang nanonood kami di namin maiwasan dalawa ang mag-comment ng kung anu-ano... hehehe (ang dami kasing dialogue na sapul samin eh...)
after watching we decided to go home na... paglabas namin ng mall nagtatalo kaming dalawa kung magta-taxi or mag-fx kami... but i insist na mag-taxi na lang kami para mas comfortable... pag sakay namin ng taxi i just looked at her and told her something about what happened earlier... then suddenly the taxi driver commented "kinakabahan ka iha cguro malapit na ang bday mo... kelan ba ang bday mo?" tanong ni manong...
nagkatinginan kami ng friend ko and she answered back that it's my bday pero si manong driver hindi convince so he asked again kung kelan bday ko... so para lang wala na discussion i answered him na lang and told him that my birthday will be coming nga on the 17th... i saw him when he looked at me in the mirror and told me this...
"iha, isa kang tanga at bobo pagdating sa pag-ibig... stick to one ka kung magmahal pero ibinibigay mo ang lahat pagdating sa pag-ibig..."
ouch... i looked at my friend and both of us looked at the taxi driver then asked "manong, bakit alam nyo???"
he then started telling me more about myself which are all TRUE...
my way of life, my likes and dislikes... everything as if he knew me a long time ago...
he even told me that i will be out of the country and there, i will meet my destiny and found my true happiness... he told me that i'll get married by the age of 28-30... but i won't get involved into any relationship right now...
i really don't know how to react on everything that he says...
it's all true, sabi ko sa sarili ko...
i just asked him "manong, itinakda ba kami na sumakay sa taxi nyo para malaman ang lahat ng ito???"
he just looked at me in the mirror and answered me with a smile...
he also asked for my friend's birthdate who at first was hesistant to give it but the manong driver insisted for it...
in short, hinulaan din nya yung friend ko at both of us was amazed kasi lahat talaga totoo...
we gave him some other birthdates of other person's that we knew and everything that he told us about those persons are all true on how we knew them...
di ba nakakapagtaka???
pano nalaman ni manong driver ang lahat???
pano nya nasasabi ang lahat ng sinasabi nya samin???
nauna ako bumaba ng taxi pero before ako bumaba he told me one more thing (which i'd rather not write in here...)
and that i guess is the reason why i can't sleep now...
haaaaaayyyyyy...
ayoko paniwalaan ang lahat ng narinig ko...
pero...
andun p din ang pero sa isip ko...
 SimpLe ThoughTs by jhenskie posted at exactly 10:33 pm
soul searcher here...
haaaayyyy... another sleepless night...
| | |